INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na siyam na Pilipino na biktima ng human trafficking ang iniligtas at nakabalik na ng bansa.
Ang mga ito ay pinauwi ng dalawang batches mula sa Malaysia at Thailand.
Ang mga biktima ay dumanas ng physical torture dahil sa hindi nila maabot ang quota at idiniditine hangga’t hindi sila nakakabayad bago i-release.
“We always hear the stories of our repatriated kababayans – each story worse after the other. It is gut-wrenching hearing how they suffered. One of them shared how their parents had to sell their farm land to produce a large-sum of money just to be given to those criminals,” ayon sa BI chief.
“Imagine the mental and emotional torture the victims and their families went through. That is not something one easily recovers from,” dagdag pa nito.
Ang ibang batch ay kabilang sa tatlong pasahero na umalis sa Malaysia sa pamamagitan ng bangka patungo sa Zamboanga at Tawi-Tawi na nagtrabaho bilang mga massage therapist na nauwi sa sex work sa isang spa.
“Sex trafficking is a direct attack to one’s rights and dignity. It is dangerous, degrading, and is exploitative of women and children,” ayon sa BI Chief said.
Muling nanawagan si Tansingco sa publiko na huwag kumagat sa human trafficking schemes.