Residential area sa Sta. Mesa, nilamon ng apoy kagabi

TINATAYANG aabot sa kalahating milyong pisong halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy nang masunog ang isang residential area sa Sta. Mesa, Maynila Linggo ng gabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection Manila, dakong alas 10:16 ng gabi nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Valencia Street, Sta. Mesa, Maynila.

Umabot ito sa ikatlong alarma dahil sa laki ng sunog kung saan ang mga bahay ay pawang mga gawa sa light materials.

Sa ika-apat na palapag ng inookupahang bahay di-umano ng isang Raniel Urbano nagmula ang sunog.

Nasa 400 pamilya naman ang nadamay sa sunog at nawalan ng tahanan.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang sanhi ng pagsiklab ng sunog sa lugar.

(PHOTO CREDIT: Bureau of Fire Protection)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.