Pulisya, gagamit ng yantok sa mga pasaway sa social distancing

Gagamit ng yantok ang kapulisan hindi lamang upang panukat kung nasusunod ang minimum na physical distancing kundi upang pamalo na rin sa mga pasaway.

Iyan ang pahayag ni Joint Task Force COVID-19 Shield chief Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag kaugnay ng pinakikilos ngayong social distancing patrol.

Ayon kay Binag, alinsunod ito sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas sa layong maiwasan ang hawahan at muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Sinabi pa ni Binag na dodoblehin na rin ang deployment ng mga pulis sa tinatawag na “areas of convergence” tulad ng public market, mga mall, simbahan, pantalan at iba pang lugar na katulad nito, lalo na at papalapit na ang holiday season.

Sinabi pa ni Binag na mula nang magsimula ang lockdown nuong Marso 17, 2020, aabot sa 700,000 indibidwal ang inaresto, binalaan o pinarusahan dahil sa pagsuway sa COVID 19 protocols.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.