Positivity rate sa NCR at 12 pang mga lalawigan, tumaas na ng mahigit 10 porsyento

LUMAMPAS Lumampas na sa sampung porsyento ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at labing-dalawang lalawigan sa bansa.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa hanay ng mga nasusuring indibidwal.

Sa Metro Manila, tinukoy ni David na mula sa 8.3 percent ay pumalo na sa 10.9 percent ang positivity rate.

Pinakamataas naman ang naitatalang positivity rate sa lalawigan ng Aklan na umaabot na sa 26.9 percent.

Kabilang pa sa mga lalawigan na lampas na sa sampung porsyento ang positivity rate ay ang Antique, Batangas, Capiz, Cavite, Iloilo, Isabela, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Rizal at Tarlac.

Aabot lamang sa 5-porsyentong positivity rate ang pamantayan ng World Health Organization (WHO) para masabing mababa pa ang banta ng hawaan ng COVID-19 sa isang lugar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.