PNP Chief, nag-inspeksiyo sa Manila North Cemetery

NAG-INSPEKSIYON ngayong umaga sa Manila North Cemetery (MNC) si Philippine National Police (PNP) Chief General Rodolfo Azurin Jr.

Ayon kay Azurin, kunteto naman siya sa inilatag na paghahanda ng pamunuan na MNC at maayos naman ang isinasagawang seguridad ng Manila Police District (MPD) at ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Simula ngayong araw, ilang mga indibidwal na ang bumibisita sa MNC para maiwasan ang dagsa ng mga tao sa mismong araw ng Undas.

Mahigpit na rin ang pagpapatupad ng seguridad sa loob at labas ng MNC ng mga kapulisan na ipinakalat sa sementeryo.

May mga bike patrol din na umiikot sa loob ng sementeryo at may mga SWAT (Special Weapons and Tactics) teams mula MPD at tauhan mga ng MPD-Station 3 ang nakakalat na rin sa nasabing sementeryo.

Katuwang din ng kapulisan ang ilang force multipliers sa pagbabantay sa loob at labas ng sementeryo.

Ang mga walang vaccination card ay hinaharang na sa entrada lalo na ang mga batang 12 pababa.

Gayundin, hindi rin pinapapasok ang may dalang alagang hayop o aso kung saan isang indibidwal kanina ang hindi na nagawang mabisita pa ang kanilang puntod dahil may kasama itong aso.

Kinumpiska rin ang ilang mga ipinagbabawal na kagamitan tulad ng lighter, flammable materials, sigarilyo, gamit panlinis at iba pa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.