INIANUNSIYO ng Pfizer-BioNTech na ligtas at epektibo para sa mga batang may edad anim na buwan hanggang limang taon kapag ibinigay sa tatlong dosis ang kanilang COVID-19 vaccine
Lumabas ang anunsiyo habang ang US Food and Drug Administration (FDA) ay nagpaplano ng mga pagpupulong sa mga darating na linggo upang timbangin ang pagpapahintulot sa mga bakuna sa COVID-19 sa mga anim na buwan hanggang limang taong gulang na mga bata, ang tanging pangkat ng edad na hindi pa kwalipikado sa karamihan ng mga bakuna na siya rin namang pinagmumulan ng pag-aalala sa maraming magulang.
Sinuri ng Pfizer-BioNTech ang tatlong dosis, na ibinigay na may tatlong microgram bawat dose sa isang clinical trial. Natagpuan na ang bakuna ay nagdulot ng isang malakas na tugon sa immune system. Ang mga side effect ay katulad sa mga grupo ng bakuna at placebo.
Ang pagiging epektibo ng bakuna ay nasa 80.3 porsyento, ayon sa isang paunang pagtatantya. “We are pleased that our formulation for the youngest children, which we carefully selected to be one-tenth of the dose strength for adults, was well tolerated and produced a strong immune response,” ayon kay Pfizer CEO Albert Bourla sa isang pahayag.
Umaasa ito na makukumpleto na ang pagsusumite sa regulators sa buong mundo na may pag-asang gawing available ang bakunang ito sa mga bata sa lalong madaling panahon, napapailalim sa regulatory authorization.
Pansamantalang nag-iskedyul ang FDA ng tatlong petsa noong Hunyo kung saan magpupulong ang mga eksperto at malamang na magpasya kung pahihintulutan ang Pfizer COVID-19 na bakuna para sa mga wala pang limang taong gulang at ang bakuna ng Moderna para sa mga wala pang anim na taong gulang, na ibinibigay bilang dalawang shot na may 25 micrograms.