P2.67-M smuggled illegal drugs nasabat sa Clark

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark ang tinatayang nasa P2.67 milyong ilegal na droga na nakatago sa polycarbonate sheets.

Ang shipment ay galing sa Hoofddorp, The Netherlands at idineklarang clothing ay sumalang sa x-ray scanning at nadiskubre ang apat na piraso ng polycarbonate sheets na naglalaman ng puting crystalline substances na hinihinalang illegal drugs. 

Sinuri ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) ang mga sangkap na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng “Special K, Ketamine.” Pagkatapos ay kinuha ang mga sample at itinuro sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa chemical laboratory analysis na kalaunan ay nagkumpirma na ang mga substance ay naglalaman ng Ketamine, isang uri ng mapanganib na gamot sa ilalim ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Naglabas si District Collector Alexandra Lumontad ng Warrant of Seizure and Detention laban sa subject goods para sa paglabag sa Sections 119 (d), at 1113 (f) ng R.A. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act, at Seksyon 4 ng R.A. 9165

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.