P16.5-M cocaine, nasabat sa NAIA; suspek, timbog sa BOC

Share this information:

ARESTADO ang isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City matapos makitaan ng ng cocaine sa loob ng kanyang bagahe, ayon sa Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa BOC, ang suspek, isang El Salvadoran national, ay dumating sa NAIA Terminal 3 mula Doha, Qatar via Qatar Airways flight QR 932 mula Brazil.

Base sa impormasyong ibinigay mula sa foreign counterparts, inalerto ang examiners sa Arrival Operations Division at mga ahente mula sa  Customs Anti-Illegal Drugs Task Force at BOC NAIA, sa koordinasyon ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa presensya ng pasahero na inaasahang darating sa NAIA na may dalang ilegal na droga.

 Natuklasan ito sa x-ray scanning, physical at K-9 examination kung saan nadiskubre ang 3,120 gramo ng cocaine na nakasilid sa loob ng luggage o bagahe at may estimate value na  P16,536,000 base sa kumpirmasyon ng PDEA.

Nahaharap ang pasahero sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.