‘No face-to-face’ campaign sa 2022 election, mapag-dududahan – Solon

NABABAHALA ang mismong Chairman ng House Committee on Constitutional Amendments Representative Alfredo Garbin Jr sa mga hamong legal na kahaharapin ng planong ‘no face-to-face’ campaign sa 2022 elections.

Giit ni Garbin, kung itutuloy ng Commission on Election (Comelec) ang pagbabawal sa face-to-face campaign kailangan munang amyendahan ang Republic Act 7166 na nagtatakda sa election campaigns and expenditures.

Dagdag pa ng mambabatas, kailangan din aniyang pataasin ang pinapayagang campaign expenditure ng bawat kandidato at political party para mabigyan sila ng legal na basehan para gumastos sa ad campaigns sa TV, radyo at social media.

Ipinunto din ni Garbin na maapektuhan nito ang abilidad ng mga botante na kilatisin ang mga kandidato para sa kanilang tama at matalinong pagboto.

Mababahiran pa umano ang komisyon ng katakot takot na pagdududa at posibleng mauwi sa pagkawala na ng tuluyan sa kredibilidad nito.

Paalala ni Garbin, hindi lahat ng mga Pilipino ay mayroong internet at hindi rin lahat ay inaabot ng mga telebisyon at radyo kayat mababalewala lang ang madalas na ikampanya ng Comelec at election watchdogs na ‘vote wisely.’

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.