Mt. Taal, panibagong pag-aalburoto

PANIBAGONG pag-aalboroto ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa bulkang Taal.

Ito ay kasunod ng mga seismic activity ng naturang bulkan.

Ayon sa Taal Volcano advisory bandang 12:30, Miyerkules ng tanghali (March 24), may naitalang 2,015 volcanic tremors, 734 low-frequency volcanic earthquakes at 18 hybrid earthquake events sa Taal Volcano Network.

Sinabi pa ng Phivolcs na umabot sa 1,184 tonnes kada araw ang sulfur dioxide gas emission noong March 21.

Sa ngayon, nasa Alert Level 2 ang Bulkang Taal.

“Alert Level 2 (Increased Unrest) is currently maintained over Taal Volcano but that unrest has been elevating and is under constant evaluation,” saad sa abiso.

Sa gitna ng Alert Level 2, asahan ang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas sa Taal Volcano Island.

Inirekomenda naman ng Phivolcs ang pagbabawal sa pagpasok sa Taal Volcano Island, Permanent Danger Zone ng Taal lalo na sa bisinidad ng Main Crater at Daamg Kastila fissure at occupancy at boating sa Taal Lake.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.