NAGBABALA ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga residente nito tungkol sa umano’y “fake class suspension announcement.”
Ang babala ay inilabas matapos na mag-trending online ang isang account na nag-share at grab ng larawan mula sa isang naunang anunsyo ng suspensyon ng klase.
“As of this posting, no announcement has been made by the City Government of Manila regarding suspension of classes and work for today, January 5, 2023,” sabi ng city government sa kanilang abiso.
“The City of Manila would like to remind the public that all official announcements shall be made through the Manila Public Information Office Facebook Page and through Mayor Dra. Honey Lacuna Facebook page,” dagdag pa nito.
Ilang lugar ang nag-anunsyo ng suspensiyon ng klase dahil sa sama ng panahon.
Ang mga lungsod ng Marikina, Malabon, Caloocan, Pasig at Quezon City sa Metro Manila ay sinuspinde ang mga klase sa kanilang lugar.