Mga pamilyang nasunugan sa Tondo, agad nahatiran ng tulong ng DSWD

NAHATIRAN na ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pamilyang nasunugan sa Gagalangin, Tondo sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection, ang sunog, na umabot sa pangalawang alarma, ay nagsimula alas 8:57 kagabi, Hulyo 5, 2022.

Ilang pamilya naman ang nawalan ng tirahan dahil pawang gawa sa light materials ang kanilang mga bahay.

Personal namang binisita ng bagong kalihim ng DSWD, Secretary Erwin Tulfo ang mga nasunugang pamilya kaninang umaga sa covered court ng Barangay 148 Zone 13. Namahagi din ang DSWD ng mga food pack, pati na cash assistance upang makapagsimula silang muli at makabangon.

Layunin ng DSWD sa pamumuno ng kalihim na unahin ang mga nangangailangan ng tulong tulad ng mga single parent, Senior Citizen, Person with Disability ( PWD) at mga biktima ng anumang kalamidad,

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.