Mga nagsimba sa Baclaran Church, nagmatigas na mabasbasan ang kanilang palaspas sa kabila ng pagtaboy sa kanila ng pulisya

NANAIG pa rin ang kagustuhan ng publiko na mabasbasan ang kanilang mga dalang palaspaspas sa simbahan ng Baclaran kahapon sa kabila ng pagtaboy sa kanila ng pulisya.

Matapos ang unang misa ng alas 6:00 ng umaga na tumagal ng isang oras, hindi umalis ang mga deboto sa labas ng gate ng simbahan hanggat hindi nababasbasan ang kanilang dalang mga palaspas.

Napilitan si Rev Fr. Victorino Cueto, ang rector ng simbahan na makiusap sa mga opisyal ng pulis kahit bawal, na mabasbasan ang mga dalang palaspas ng mga deboto sa layunin na umalis na ang mga ito, upang maiwasan ang pagtitipon at bilang pag iingat na rin sa COVID-19.

Pinagbigyan naman ng limang minuto ang nais na pagbendisyon sa mga palaspas na dumalo sa misa.

Nakiusap si Fr. Cueto sa mga deboto ng simbahan sa online na lamang makinig ng misa.

Una na rin sinabi ni Rev Fr. Jose Dela Cruz nasa papasok na holy week, ang simbahan ay patuloy na susunod sa protocol na itinakda. “Ang simbahan ay lockdown hanggang April 4. Wala pong makaka pasok na mga tao para sa mga gawain pang kwaresma,” pahayag ni Fr. Dela Cruz.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.