Mga buntis, puwedeng bakunahan kontra COVID-19

Sinabi ng isang pediatrician na hindi dapat ipagbawal sa mga buntis at mga nagpapasuso ang pagtanggap ng bakuna laban sa COVID-19

Sinabi ito ni Dr. Maria Asuncion Silvestre, isang pediatrician na kasapi ng Health Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) sa kabila ng walang pag-aaral sa epekto ng bakuna sa mga buntis, mga bagong panganak at mga pinasu-susong sanggol.

Gayunman, rekomendado ng World Health Organization (WHO), mga eksperto sa Estados Unidos, Australia at iba pang bansa ang pagbabakuna sa mga buntis o nagbe-breastfeed na nanay

Dagdag pa ng eksperto na may maagang pag-aaral na nagsasabing may kaunting pakinabang ang mga sanggol mula sa gatas mula sa nabakunahang ina.

Naglatag ng mga halimbawa si Dra. Silvestre ng mga health care worker na tinamaan ng COVID-19 na nagpapasuso ng kanilang mga sanggol at binakunahan kontra sa sakit. Kabilang dito ang isang health professional mula sa Las Pinas, isang nurse mula sa Tacloban City at isa pa mula Palo, Leyte

Diin pa ni Dra. Silvestre na walang dahilan para itigil ang pagpapasuso bago at pagkatapos mabakunahan laban sa COVID-19.

Naglabas rin ng isang artikulo si Dra. Silvestre na tumutukoy sa isang bagong panganak na sanggol na may antibodies na kontra COVID-19 mula sa nanay na nagpabakuna habang buntis.

Sa gitna naman ng pagbabakuna sa bansa, inirekomenda ni Dra. Silvestre na i-monitor at kunin ang datos ng mga buntis, mga nagbe-breastfeed na nanay at kanilang mga sanggol sa epekto ng bakuna sa COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.