Mga batang edad 7, dapat ng payagan sa mall – DTI

NAIS na ng Department of Trade and Industry (DTI) na mapayagan ng Inter-Agency Task Force ang mga menor de edad na pitong taong gulang pataas na makapasok na rin sa mga mall sa gitna ng nararanasan pa ring COVID-19 pandemic.

Gayunman, nilinaw ni DTI Secretary Ramon Lopez na ang layon lamang ng pagpunta sa mall ng mga bata ay upang bumili ng mga pangangailangan at kung kakain.

Hindi pa rin aniya pupuwedeng mapabuksan ang mga palaruan o arcade sa mall upang maiwasan ang hawaan ng virus infection.

Iminungkahi ni Lopez na ipaubaya sa mga lokal na pamahalaan ang pagtatakda ng edad ng mga batang papayagang pumasok sa mall, depende sa sitwasyon ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.

Sa kasalukuyan, pinahihintulutan nang lumabas ng bahay ang mga edad 15 hanggang 65 sa layong maibalik ang sigla ng ekonomiya ng bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.