Inatasan ng Manila Barangay Bureau (MBB) ang lahat ng barangay sa Maynila na kaagad mag-isyu ng Quarantine Pass upang malimitahan ang paglabas ng mga tao habang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR Plus Bubble mula Marso 29 hanggang Abril 4.
Sa memo na pirmado ni MBB Chief Romeo Bagay, gagamitin ang odd even scheme sa pagiisyu ng Quarantine Pass.
Ang mga Qurantine Pass na may odd numbers ay maaari lang lumabas tuwing LUnes, Miyerkules at Biyernes mula 5am-6pm at 5am-11am sa araw ng Linggo.
Samantala, ang mga even numbers naman ay papayagang lumabas tuwing Martes, Huwebes at Sabado habang 11pm-6pm lamang sa araw ng Linggo.
Tanging mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) lamang ang papayagan na makalabas ng bahay at ang mga quarantine pass holder ay lalabas lamang upang bumili ng pagkain at gamot.