Lalo pang lumobo ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas dahil sa mga bagong kaso na naitala ngayong araw.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), sumampa na sa 677,653 ang kabuuang bilang ng mga tinatamaan ng sakit dahil sa karagdagang 5,867 na mga bagong kaso.
Nakapagtala naman ng kabuuang recoveries na 578,461 matapos madagdagan pa ng 620 na gumaling sa nakamamatay na sakit, habang nakapagtala lamang ng 20 na pumanaw ngayong araw sanhi upang maging 12,992 na ang kabuuang COVID-19 deaths.
Samantala,nasa 86,200 naman ang bilang ng mga aktibong kaso.
Payo ng DOH sa publiko, iwasan na maging kampante sa pag-iingat, lalo na sa harap ng mabilis na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.