Malakihang pag-balasa sa DA at BOC, tama lang ayon sa AGAP

TAMA lang na magkaroon ng malakihang pag-balasa o “major revamp” sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC), ayon kay Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Party List Representative Nicanor Briones sa ginanap na media forum sa Maynila.

Binigyang-diin ni Briones na huwag nang hintayin pa na tanggalin sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kusa na silang mag-resign kung ang kanilang mga pangalan ay napasama sa mga listahan ng mga smugglers.

Giit pa ni Briones, hindi aniya mapapasama sa listahan ang mga opisyal na ito kung walang naging basehan.

Pangalawa rito ay ang isyu ng “command responsibility.”

Kayo nandiyan sa customs, nalulusotan kayo ng  katakot-takot na smuggling, eh di malinaw na command responsibility– puwede kang tanggalin or mahiya ka, mag-resign ka, maging yung nandun sa Department of Agriculture,” ayon pa kay Briones.

Maaalala na ibinunyag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang ilang mga trader o “players” na umanoy sangkot sa agricultural at fishery smuggling na sinasabing protektado ng ilang opisyal ng BOC at DA.

Ayon sa senador, napag-alaman niya sa resource person na ang mga high-profile na personalidad na ito ay sangkot sa smuggling ng mga produktong pang-agrikultura.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.