Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro kaninang madaling araw.
Sa latest update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang naitala ang pagyanig ng lupa sa magnitude 5.4 subalit itinaas ito sa magnitude 5.6.
Ayon sa Phivolcs, nasa 31 kilometro sa Timog-Silangan ng bayan ng Looc, ang naitalang epicenter ng lindol na naganap dakong alas-2:16 madaling araw ng Lunes (October 5).
May lalim na 121 kilometro ang pagyanig at tectonic ang origin nito.
Naitala din ang intensities sa mga sumusunod na lugar;
Intensity IV – Looc, Lubang, Mamburao, Paluan, at Sablayan, Occidental Mindor; Tagaytay City.
Intensity II – Makati City; Quezon City; Mandaluyong City; Malabon City; Muntinlupa City; Pasig City.
Habang instrumental intensities naman sa mga sumununod na lugar ng
Intensity IV – Puerto Galera, Oriental Mindoro;
Intensity III – San Jose, Occidental Mindoro; Roxas, Oriental Mindoro;
Intensity II – Bacoor City; Las Pinas City; Muntinlupa City; Calumpit at Plaridel, Bulacan; Dolores, Quezon; Carmona, Cavite;
Intensity I – Marikina City; Quezon City; San Juan City; Guagua, Pampanga; Gumaca at Mauban, Quezon; Marilao at San Rafael, Bulacan; Talisay, Batangas
Wala pa namang naitatalang pagkasira sa mga ari-arian subalit inaasahan ang aftershocks bunsod ng malakas na paglindol.