Makasaysayang Manila Cathedral, magbubukas na sa publiko

Nakatakdang magbukas sa susunod na mga araw ang makasaysayang simbahan ng Cathedral sa Maynila.

Ito ay batay na rin sa abiso sa kanilang Facebook page na kung saan ay inaanyayahan na ang publiko na dumalo ng misa sa kauna unahan sa araw ng Miyerkules, September 16, simula ng magkaroon ng Lockdown ang Metro Manila noong Marso 15 dulot ng COVID-19 pandemic.

At bilang pagsunod sa itinatadhana ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) sa health protocols ay hanggang 80 katao lamang ang papayagang makadalo sa kada misa.

“First come first served basis” din anila ang ipatutupad sa Manila Cathedral.

Istrikto ring ipatutupad ang pagsusuot ng face mask at face shield habang isinasagawa ang misa.

Narito ang mass schedule sa Manila Cathedral:

– Lunes hanggang Biyernes: 7:30 ng umaga at 12:10 ng tanghali

– Sabado: 7:30 ng umaga

– Linggo: 8:00 ng umaga, 10:00 ng umaga at 6:00 ng gabi

Bukas din ang simbahan para sa private prayers bandang 8:00 hanggang 11:30 ng umaga at 1:00 hanggang 5:00 ng hapon.

“During Sundays, the faithful can also stay in Plaza Roma, where communion will also be distributed,” nakasaad pa sa kanilang abiso.

Patuloy pa rin namang isasagawa ang pag-livestream sa lahat ng misa online sa pamamagitan ng kanilang Facebook page at YouTube channel.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.