Maka-sawsaw lang nga!

Share this information:

Nakupo, mga ka-Pasaway! Pasaway spotted itong Assistant Secretary na si ‘bad mouth C’ aka “Celin Plus” ay agad kumaripas ng botaks sa NBI Cybercrime Division para magpasaklolo kung ano ang magiging hakbang laban sa mga ‘basher’ niya sa social media!

Mukha raw maghahain ng reklamo itong si Asec laban sa mga netizen na pinagpiyestahan ang kanyang kontrobersyal na pahayag patungkol sa pagtawag nitong “drama queen” sa militanteng si Reina Mae Nacino habang dumadalo sa burol ng kanyang sanggol na si “Baby River”. Tsk Tsk Tsk.

Nakalimutan ata ni Asec na magkaroon ng kahit katiting na simpatya sa isang musmos na pumanaw sa sitwasyong hindi naman niya kasalanan.

Walang kuwentang ina lang ang hindi masasaktan sa sinapit ng sanggol. Kahit naman ang mga hindi ina, kinurot din ang puso nang madamay pati ang sanggol sa banggaan ng mga “mahuhusay” kuno sa lipunan. Naging biktima na nga ng sitwasyon ang sanggol, lalo pa siyang dinurog ng mga batuhan ng batikos.

Madam, nasa gobyerno ka pa naman at may posisyon, hindi kaya masasayang lang ang pasahod sayo ng taumbayan kung sawsaw at sasakay ka lang sa mga isyu at babanat ng alanganing komento na maaaring ikasira rin ng imahe ng ahensya na kinabibilangan mo?

Hindi lahat ng nasa isip natin ay kailangang ibulalas sa social media. Puwede naman sana you kept it within yourself para hindi ka stress galore ngayon at pasaklolo sa NBI dahil sa nakakalokang mga banat sayo.

Asec, baka mas makabubuti rin na ipagdasal mo na lang ang kaluluwa ng bata kaysa magbulalas na hindi nakatutulong sa sitwasyon at sa bansa. Nakakahiya lang eh.

May nabasa ako tungkol sa paghingi mo ng paumanhin pero ewan ko kung ramdam ng karamihan ang sinseridad kasi may pagmamatigas ka pa rin na tama ka eh. Besides, the damage has been done.

***********

Inuulan ata ng mga pasaway ang gobyerno ngayong may bagyo sa Pilipinas dahil may isa ring Undersecretary ang naging kontrobersiyal sa naging pahayag nitong mga “bayaran” umano ang taga-UP Marine Science Institute (MSI).

WOW! Kung makasabi naman ng “bayaran” si Usec, wagas ha? Talaga naman binabayaran ang mga ‘yan dahil sa hininging serbisyo ng gobyerno mula sa kanila. Ayaw mo bang punahin ang Manila Beach project dahil masakit ang katotohanan na may pagkakamali sa pag-arangkada n’yan?

In fairness kay Usec, humingi na siya ng paumanhin sa UP MSI researchers. Dala lamang daw ng bugso ng kanyang damdamin kaya hindi n’ya napigilan ang sarili. Ok, fine. Move on na tayo.

Pero unsolicited advise lang ng kapitbahay namin kina Ms. Asec at Mr. Usec, pigilang maging balat-sibuyas at huwag maging ipokrito at baka puwedeng lingon ng konti sa pinanggalingan. Remember, nothing is forever.

**********

Ang sabi ng mga senador ay delikado na naman ang budget insertions ng Kamara kapag hindi agad nai-transmit sa kanila ang 2021 General Appropriations Bill na inaprubahan na ng mga kongresista nuong Biyernes.

Eh siyempre, ang sabi nga di ba kahit anong bantay at kapag ginusto ay may paraan? Huwag na lang nating lahatin ang mga mambabatas, mayruon pang kahit maliit na porsyento ay talagang kabutihan ng kanilang nasasakupan ang ipinaglalaban. Ang iba, balasubas nga sabi ni Mang Kanor.

Pero ang tanong, ang mga kongresista lang ba ang nagagawang “makapagpalusot”? Sigurado ba tayo na walang pork barrel ang mga senador? Si Aling Lanie kasi ipinagpipilitan sa akin na mas malaki raw ang pork barrel ng mga senador pero hindi nagpapabuko at dapat ay palaging mabango ang kanilang pangalan sa taumbayan. Saan galing ang hugot ni Aling Lanie?

Ah basta, para sa ilang mga kongresista at senador na kasing kapal ng palitada ang mukha na gumawa ng kalokohan sa national budget, sana ay tamaan kayo ng kunsensya nyo. May pandemya ngayon. Baka puwedeng ibalato muna sa mga mamamayan ang “kaltas” ninyo?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Command Center in Pilar, Bataan, inaugurated

Mon Oct 19 , 2020
The Pilar Command Center in Bataan was formally opened at a separate new building next to the Municipal Hall, Monday morning, October 19, 2020. Pilar Municipal Mayor Carlos “Charlie” Pizarro Jr. who led the inauguration together with his Vice Mayor Marino Caguimbal, attended by their Sangguniang Board members. The new […]

Follow Us

%d bloggers like this: