ISANG claimant ang inaresto ng Bureau of Customs (BOC) sa Cebu City matapos itong makuhanan ng mahigit P5 milyong halaga ng Ecstasy sa isang isinagawang controlled delivery operation sa naturang siyudad.
Ayon sa BOC, katuwang ng Customs NAIA sa operasyon kahapon, Hulyo 18, ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang bahagi ng NAIA-Inter-agency Drug Interdiction Task Group (IADITG).
Isang pakete mula sa bansang Netherlands ang Idineklarang “women’s clothes” nang madiskubre ng Customs examiners at enforcement group ang 2,984 piraso ng Ecstasy na tinatayang nagkakahalaga ng P5,072,800.
Sa koordinasyon ng Regional PDEA at ahensiya ng law enforcement, matagumpay na naaresto ng grupo ang claimant para sa posibleng paglabag sa RA 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
(PHOTO CREDIT: Bureau of Customs)