HALOS kalahati lamang ng unang nailistang 435,000 na public utility vehicle drivers ang makatatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.
Sa budget hearing sa Kamara, sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board chair Martin Delgra na sa listahang isinumite ng Department of Transportation at LTFRB sa Department of Social Welfare and Development, nasa 209,000 beneficiaries lamang ang naiwan sa pagsasala.
“But the DSWD has other SAP beneficiaries. Having said that, ang responsibilidad namin is to provide that list and the DSWD is supposed to cross-match it, and which they did,” ani Delgra.
“The latest count as of two weeks ago was that 209,000 na lang yung nasa listahan that was cross-checked,” dagdag nito.
Ipinaliwanag ni Delgra na nabawasan ang mga benepisaryong PUV driver matapos na masuri ng DSWD ang listahan sa posibleng duplikasyon o kung may kasama na sa pamilya ng drayber na tumatanggap na rin ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program.
“For example, sa isang pamamahay, posible na may senior doon, and senior might be a beneficiary under the SAP,” ayon kay Delgra.
“It can also be that one of the household member is sidewalk vendor of which he may also be a beneficiary under the SAP. And that a third member might be a PUV driver,” paliwanag pa nito.
Aminado si Delgra na nagkakaroon din ng pagka-antala sa distribusyon ng tulong sa mga PUV driver ngunit tinatrabaho na umano nila ito ngayon.
“Kaya minabuti ng DOTr and LTFRB to work in close coordination with DSWD lalong-lalo na on the regional level. And that is what we’re doing right now para maiayos na at maibigay na yung remaining funds for SAP for PUV drivers,” pahayag pa ng opisyal.