Mahigit 20 toneladang puslit na kontrabando, winasak ng BoC

Share this information:

Winasak ng Bureau of Customs-Port of NAIA ang nasa 21 toneladang kontrabando na karamihan ay pawang hazardous materials sa Trece Martires, Cavite.

Base sa report ng ahensya, kabilang ang mga vape product na inimport nang walang kaukulang papeles mula sa Food and Drugs Administration (FDA).

Bukod sa mga vape, winasak din ng BOC ang mga expired food supplies, dietary supplements, medicines, medical kits and devices at glutathione products na na-import nang wala ring FDA permit.

Nabatid pa sa BoC, kung hindi maitatapon nang maayos ay maaari itong makaapekto sa kalusugan ng publiko.

Sinira rin ng BoC ang ilang regulated items tulad ng animal feeds, cements, electrical items, bulbs and batteries na walang clearances mula sa Department of Agriculture (DA), Bureau of Animal Industry (BAI) at Bureau of Product Standards (BPS).

Siniguro naman ni District Collector Carmelita “Mimel” Talusan, na patuloy na magbabantay ang BOC NAIA sa mga kontrabando upang sa gayon ay hindi maipupuslit ang mga ito papasok ng bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.