Lungsod ng Maynila, tikom ang bibig hinggil sa kita nito sa NCAP

TUMANGGING magbigay ng pahayag o komento ang pamahalaang lungsod ng Maynila hinggil sa isyu ng No Contact Apprehension Policy o NCAP.

Ito ay matapos matanong ng mamahayag hinggil sa kabuuang halaga ng nakolekta ng siyudad sa NCAP penalties at kung magkano ang kabuuang halaga na kinita o napunta sa private contractor ng NCAP sa Maynila simula ng ipatupad ito. 

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, base sa Manila City Legal Office, hindi muna sila magkokomento sa isyu dahil maaaring may mga usapin na nakapaloob sa kaso na nakabinbin ngayon sa Korte Suprema.

Matatandaan na naging mainit ang usapin ng NCAP matapos magkaroon ng magkakasunod na reklamo hinggil dito ang iba’t-ibang sektor dahilan para magsampa ng kaso sa Supreme Court kung saan nag isyu nga ang kataas-taasang hukuman ng temporary restraining order laban sa NCAP.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.