Libreng Sakay para sa APOR at essential workers, umarangkada na

BUMIBIYAHE na ang mga modernong pampasaherong jeepney para bigyan ng libreng serbisyo ang mga essentia workers/travelers at Authorized Persons Outside of their Residence (APOR) sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), aabot sa 44 ruta ng Modern Public Utility Jeepney ang umarangkada na tatagal hanggang Abril 4 sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Magiging operational ang mga ruta ng libreng sakay para sa mga APOR simula alas-4:00 ng madaling araw hanggang alas-10 ng gabi.

Nabatid pa sa DOTr na matutukoy na ang modern jeepney ay nagbibigay ng libreng sakay kung makikitang may karatula sa harapang bahagi nito na may nakasaad na “LIBRENG SAKAY PARA SA MGA AUTHORIZED PERSONS OUTSIDE RESIDENCE”.

Upang makasakay ng libre, magpakita lamang ng I.D. bilang patunay na isang APOR.

Kabilang sa mga ruta ng MPUJ na may libreng sakay sa mga APOR:

  1. Novaliches – Malinta via Paso de Blas
  2. Bagumbayan Taguig – Pasig via San Joaquin
  3. Fort Bonifacio Gate 3 – Guadalupe, Market Market (ABC)
  4. Pandacan – L. Guinto
  5. Quezon Avenue – LRT 5th Avenue Station
  6. Cubao (Diamond) – Roces Super Palengke
  7. EDSA Buendia – Mandaluyong City Hall via Jupiter
  8. Divisoria – Gasak via H. Lopez
  9. Punta – Quiapo via Sta Mesa
  10. Boni Pinatubo – Stop & Shop
  11. Boni (Robinson’s Complex) – Kalentong/JRC
  12. Nichols – Vito Cruz
  13. Filinvest City Loop
  14. Alabang Town Center (ATC) – Ayala Alabang Village
  15. Vito Cruz Taft Avenue – PITX Loop
  16. Bagong Silang – SM Fairview
  17. Malanday – Divisoria via M. H. Del Pilar
  18. Eastwood, Libis – Capitol Commons
  19. Gasak – Recto via Dagat-dagatan
  20. PITX – Lawton
  21. Alabang – Zapote
  22. PITX – Nichols
  23. PITX – SM Southmall
  24. QMC Loop
  25. Cubao – Sta Lucia (Pasig)
  26. Rosario Junction – San Juan via Pinaglabanan, Ortigas
  27. Rodriguez – BFCT
  28. Blumentritt, Manila – Sta Quiteria, Caloocan
  29. Guadalupe, Makati – FTI, Taguig via JP Rizal Ext.
  30. Alabang, Muntinlupa – Buencamino, Muntinlupa
  31. Alabang, Muntinlupa – Tunasan
  32. Litex, Quezon City – Rodriguez, Rizal
  33. Palmera, San Jose Del Monte, Bulacan – Novaliches, Quezon City
  34. Parang-Cubao (Cubao – Silangan, San Mateo, Rizal)
  35. Munoz – Quiapo
  36. Alabang – Calamba via SLEX
  37. Balingasa, Balintawak – Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan
  38. Diego Cera Avenue, Las Pinas – Merville
  39. Rodriguez (Sub-Urban) – SM North EDSA
  40. Muzon Central Terminal, SJDM – Novaliches, Quirino Hwy
  41. Baclaran – NAIA/Baltao
  42. SSS Village – Cubao via Aurora
  43. Malanday – Sta Cruz. via Huertas Oroqueta
  44. Malanday – Pier South via McArthur Highway

Maliban dito, tuluy-tuloy pa rin ang implementasyin ng ating Free Ride for Health Workers and Medical Frontliners Program sa Greater Metro Manila, at sa buong bansa.

Mahigpit namang ipinatutupad ng LTFRB, sa tulong ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT), ang pagsunod ng mga pampublikong sasakyan sa minimum health safety protocols o ang tinatawag na “7 Commandments” sa public transport, kung saan dapat ginagawa ang mga sumusunod:

1) Laging magsuot ng face mask at face shield;
2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;
3) Bawal kumain sa loob ng sasakyan;
4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV;
5) Laging magsagawa ng disinfection;
6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at
7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.