UPANG mapagtuunan ang lahat ng nakabinbing mga kaso sa labor standards at paghahanda ng inspection program para sa 2023, sinuspinde ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng labor inspection activities nito sa buwan ng Disyembre.
Sa Administrative Order No. 342, Series of 2022, inatasan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang lahat ng DOLE regional directors na pansamantalang itigil ang lahat ng labor inspection activities sa kani-kanilang rehiyon simula Disyembre 1.
Gayunman ,nakasaad sa kautusan na exempted sa suspensyon ay ang complaint inspections, Occupational Safety and Health (OSH) standards investigations; technical safety inspections gaya ng inspection of boilers, pressure vessels, mechanical and electrical wiring installation; at iba pang inspection activities na ini-atas ng kalihim.
Hinimok naman ni Laguesma ang mga DOLE regional offices na magsagawa ng regional training activities tulad ng Level 1A: Basic Course para sa Labor Inspectors.
“This is to ensure that the labor inspectorate is updated with the latest issuances and are highly skilled and equipped to perform their duties in enforcing labor laws and OSH standards,” sabi ni Laguesma.