Koreano na may dalang daang libong halaga ng pera, timbog sa BOC

ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang pasaherong Koreano na may bitbit na US$167,300 o katumbas ng P9.196 milyon sa NAIA Terminal 1 kamakailan.

Lumapag sa NAIA Terminal 1 ang dayuhan mula Incheon International Airport via Asiana Airlines Flight OZ701.

Sa physical examination sa bagahe ng dayuhan, natuklasan ang hindi idineklarang pera na nakatago sa isang libro, na may aktwal na imbentaryo na nagkakahalaga ng US$167,300.

Nasa kustodiya ngayon ng Customs Police – NAIA ang Koreano para sa karagdagang imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kasong kriminal.

Nagpapaalala ang BOC sa publiko na sinumang tao ay maaaring malayang magdala ng mga dayuhang pera papasok o palabas ng Pilipinas hanggang sa maximum na halagang US$10,000, o katumbas nito.

Gayunpaman, kung ang halaga ay lumampas sa US$10,000, ang foreign currency ay dapat ideklara sa pamamagitan ng Customs Baggage Declaration Form at Foreign Currency Declaration Form (FCDF) sa pagdating sa o bago umalis mula sa isang paliparan ng Pilipinas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.