Kaso ng “SAF 44,” muling pinabubuksan sa Ombudsman

UMAPELA si Atty. Ferdie Topacio sa Ombudsman na muling buksan ang kaso ng Mamasapano o ang tinaguriang “SAF 44” na sabi nitong pitong taon na nakabinbin at hindi pa nakakamit ang hustisya.

Ngayong may pelikula na ang Mamasapano kung saan producer si Topacio at kasali sa Metro Manila Film Festival, sinabi niya sa isang kapihan sa Manila Bay na umaasa siya na ma-engganyo ang Ombudsman na buksan muli ang kaso.

Hindi ko sinasabing ang conclusion niya is sumunod dun sa movie, it is just a movie–although based on the historical event,” pahayag ni Topacio patungkol kay Ombudsman Samuel Martires.

Giit ni Topacio, nais lamang niya na maudyukan ang Ombudsman na sa pamamagitan ng pelikula ay mabuksan at maimbestigahan muli ang kaso at wala nang iba pa.

Naniniwala naman si Topacio na hindi ganun kahina ang Ombudsman na dahil lamang sa pelikula ay maiimpluwensiyahan na ito. 

He is a former Associate Justice of the Supreme Court –hindi siya maiimpluwensyahan ng pelikula,” dagdag pa ni Topacio.

Ayon kay Topacio, nakatakda silang maghain ng “motion to re-open” hinggil sa kaso.

Samantala, binatikos ni Topacio ang kasalukuyang sistema ng pagpapalabas ng pelikula sa bansa.

Aniya, kadalasan ang mga sinehan ay nakabase sa gross profit at hindi sa kalidad ng pelikula.

Sa ganitong pagkakataon, iginiit ni Topacio na dapat suportahan ng pamahalaan ang film industry  sa pamamagitan ng pag-subsidize sa mga sinehan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.