Imbestigasyon sa pagpapabakuna ni Tulfo, isangtabi muna

Naniniwala ang isang mambabatas na isantabi muna ang imbestigasyon kaugnay sa pag-amin ni Mon Tulfo na nabakunahan na ito kontra COVID-19 gamit ang Sinopharm.

Sa Balitaan sa Maynila virtual media forum, sinabi ni Representative Pantaleon Alvarez na wala namang pupuntahan ang imbestigasyon at nagsasayang lamang aniya ng oras.

Sa halip, sinabi ni Alvarez na dapat ang bawat representante ay hikayatin ang kanilang mga constituents sa kanilang distrito na kailangang magpabakuna.

Tulungan din aniya ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na magpaliwanag sa mga tao sa bawat barangay  para mabakunahan na ang kanilang mga kababayan.

Samantala, sinabi naman ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino na sang-ayon silang isama sa prayoridad ang mga media practitioners sa mga babakunahan.

Paliwanag ni Dino, ang mga media ang nagdadala ng balita at umaasa ang buong Pilipinas  kung ano ang  mga pinakasariwang balita na inirereport dahil aniya kabilang din ang mga media practitiooners sa mga “frontliners.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.