Breaking News

Share this information:

NAKIKIUSAP ang Land Transportation Office (LTO) sa mga Pilipinong nagmamay-ari ng mga sasakyan na maghintay lamang sa pag-release ng plaka ng kanilang mga sasakyan na matagal nang natengga.

Sa panayam kay LTO Special Legal Assistant to the Office of the Assistant Secretary na si Atty. Alex Abaton sa ginanap na “Kapihan sa Manila Bay” kaninang umaga, humiling na aniya ang LTO ng pondo upang tugunan ang  mga backlogs sa plaka.

Ang maganda po niyan is that sabi ko nga working naman ang ating planta—ginagawa na po ‘yan and ‘yung ating mga kababayan ay will have to wait for a while but as to the certainty na magagawa ang kanilang plaka, magagawa at magagawa po natin ‘yan,” paliwanag pa ni Abaton.

Ayon pa kay Abaton humirit na ng pondo ang LTO at kasama ito sa budget proposal na isinumite sa Kongreso ng mahigit P6 bilyon para punuan ang lahat ng backlogs ngunit P4.7 bilyon lamang ang naaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).

Dagdag ni Abaton, ang mga backlogs ay mula pa noong 2016 pababa kaya naipon.

Well at the end of the day, Kongreso po ang magde-decide niyan kung magkanong budget ang ibibigay.”

Gayunman, sinabi ni Abaton na hindi pa ito magtatapos sa Lower House dahil iaakyat pa ito sa Senado.

Pero for purposes of LTO we have already submitted our request funding so that we were able to at least produce our plate particularly sa ating mga backlog,” dagdag pa ng opisyal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.