HDO vs Sulu cops, ikinasa ng DOJ

Kaagad na inatasan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang Sulu Prosecutors Office na maghain ng mosyon na humihiling na ilagay sa Hold Departure Order (HDO) ang siyam na pulis na akusado sa pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu. 

Ito ay matapos pakawalan ang mga akusado dahil hindi nakapag-isyu ng warrant of arrest ang korte bunsod ng lockdown. 

Nabatid na Enero 4 pa isinampa ang kaso at hiniling ng DOJ na  huwag silang palayain hangga’t hindi naiisyu ang warrant of arrest. 

Samantala, ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas, pinakawalan nila ang mga pulis dahil sa kawalan ng warrant of arrest.

Bukod dito, makakasuhan ng arbitrary detention ang mga pulis kung mananatili sa kanilang kustodiya ang mga akusadong pulis. 

Ang mga akusado ay kinasuhan ng murder at planting of evidence. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.