SINABI ni Albay 2nd District Representative at ekonomista na si Joey Salceda na naniniwala siyang aabot sa P65 ang palitan ng piso kontra dolyar.
Sa pahayag ni Salceda sa Kapihan sa Manila Bay, ito ay bunsod pa rin ng nangyayaring pagtaas ng interest rate sa Amerika.
Pero sa kabila nito, hindi naman nakikita ng mambabatas na magdudulot ito ng financial crisis sa bansa bagama’t sadyang magiging mahirap ito sa pinansyal na aspeto ng Pilipinas.
Kaya naman naniniwala ang mambabatas na dapat ayusin ng bansa ang sektor ng agrikultura para malabanan ang pagsadsad ng piso.
Malaki din bahagi ng magandang depensa ng bansa kontra sa patuloy na pagbagsak ng piso ay ang magaling na economic team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Liban pa dito ang pag-amyenda ng ilang mga batas gaya ng EPIRA o ang “Electric Power Industry Reform Act of 2001” Law at iba pang economic law.