Face-to-face classes, dahan-dahang ibabalik sa 2021 – DepEd

PINAG-AARALAN na ng Department of Education (DepEd) ang posibilidad na dahan-dahang maibalik ang face-to-face classes sa bansa sa susunod na taon.

Pahayag ito ni Education Secretary Leonor Briones kasunod ng napaulat na tatlong COVID-19 vaccine mula sa mga manufacturer ng Estados Unidos at United Kingdom kabilang ang Pfizer-BioNTech, Moderna, at AstraZeneca, ang nag-anunsyo na nasa 90-porsyentong epektibo ang kanilang nalikhang bakuna matapos ang human trials.

“Definitely, not this year. Definitely not until the President makes the announcement, but we are preparing a report to the President based on the current experience,” ayon kay Briones.

“Klaro naman na ang magkakaroon lang ng face-to-face classes sa areas which are absolutely in safe conditions. Iyang face-to-face clases, hindi sabay-sabay ‘yan. It will be very selective and it will not happen this year,” dagdag ng kalihim.

Nilinaw ni Briones na ang mga ligtas na lugar para sa face-to-face classes ay tutukuyin ng Department of Health at Inter-Agency Task Force (IATF).

“Depende ang approach kasi depende rin sa number of students,” pahayag pa ni Briones.

Kasabay nito, sinabi ng kalihim na kanilang pag-aaralan din ang pagbabago ng academic calendar para sa school year 2020-2021 sa gitna ng COVID-19 pandemic at sumabay din ang serye ng mga bagyong nanalasa sa bansa.

“Every year naman, may disaster, natural or otherwise, kaya handa ang kagawaran. Sanay na kami. Tinitignan namin ang calendar at i-aadjust iyon kung kelan ang make up classes,” ani Briones.

“Iyong call for academic ease is reasonable para hindi mahirapan ang mga estudyante at guro, kaya we will make adjustments along those lines,” pagtitiyak nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.