Ex-US Marine nakuhanan ng sangkap sa paggawa ng baril sa NAIA

INARESTO ng Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) ang 36 taong gulang na lalaking pasahero na dating miyembro ng U.S Army
bago umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 patungong Los Angeles, California .

Sasampahan ng reklamo dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10591, o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Habang nagsasagawa ng screening duties ang isang x-ray operator ay nakita ang isang imahe sa monitor na kahawig ng bahagi ng baril sa loob ng itim na duffle bag na pag-aari umano ng  pasahero.

Kaagad ipinagbigay-alam ng X-ray Operator sa airport security personnel na nakatalaga sa NAIA Police Station 3.

Kung saan nagsagawa ng standard procedures ng manual inspection sa bagahe sa harap ng pasahero at mga rumespondeng tauhan at dito na natagpuan ang isang (1) upper receiver na may markang “GLOCK 23 Gen 5 USA .40”.

Iginiit nito na ang sangkap ng baril ay regalo ng isang kaibigan at dapat ipasadya.

Sinabi ng pasahero na ang sangkap baril ay regalo ng isang kaibigan at dapat ipasadya pero sa pag-verify, nabigo siyang magpakita ng anumang mga dokumento na nag papahintulot sa pagbibiyahe ng nasabing bahagi ng baril.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.