Ex-Calauan Mayor Sanchez, pumanaw sa loob ng Bilibid

PUMANAW na si convicted killer at rapist na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa loob ng kanyang selda sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito ang inihayag ni Bureau of Corrections (BOC) Spokesperson Gabriel Chaclag kung saan bandang alas 7 ng umaga ng Sabado, Marso 27 ay natagpuan itong walang malay.

Isinugod umano ng kanyang kasamahan sa NBP hospital si Sanchez pero idineklara itong dead on arrival.

Patuloy pa na nagsasagawa ng pag-awtopsiya ang medical staff ng BuCor sa labi ng dating alkalde.

Si Sanchez ay hinatulan ng pitong beses na habambuhay na pagkabilanggo dahil sa panghahalay at pagpatay sa estudyanteng si Eileen Sarmenta at pagpaslang din sa kasintahan nito na si Allan Gomez noong 1993.

Huling nakitang buhay si Sanchez ay nitong gabi ng Biyernes bago matulog sa kanyang maximum prison cell.

When his cell mates woke him up this morning, he was unresponsive. There is no sign of foul play,” pahayag ni Chaclag.

Sinabi ni Chaclag na dati na umanong may karamdaman si Sanchez gaya ng chronic kidney disease, hypertension, gastroenteritis, prostate problems at asthma.

Naging kontrobersyal muli si Sanchez nitong taong 2019 matapos mai-ulat na kabilang siya sa 10,000 person deprived of liberty (PDL) ang nakatakdang palayain mula sa Bilibid ng mapasama ito sa ilalim ng RA 10592 o ang Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Subalit hindi na natuloy ang paglaya ni Sanchez dahil na rin sa public outcry at imbestigasyon ng Senado at Kamara.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.