Engineer, patay sa pagkalunod sa Morong, Bataan

ISANG inhinyero mula sa Pampanga ang namatay dahil sa pagkalunod sa Morong, Bataan, Sabado ng gabi. 

Ayon sa ulat mula sa Philippine National Police (PNP) sa Morong, kinilala ang biktima bilang si Vicente Raul Estañero, 60 anyos, residente ng Brgy. San Juan, Mexico, Pampanga. 

Base sa police report, nangyari ang insidente sa La Serrano Beach Resort, Nagbalayong, Morong, Bataan. 

Ayon sa kwento ng mga kaanak ng biktima, suot ang swimming gear ay lumangoy at nag- snorkeling ang biktima sa naturang resort subalit ilang sandali umano ang nakalipas ay napansin nilang hindi ito gumagalaw at palutang lutang sa laot, 100 metro ang layo mula sa pampang. 

Nang marekober ang katawan nito, sinubukan pang i-revive ng lifeguard na si Jethro Aquino ang biktima hanggang sa maisugod sa Morong Rural Health Unit kung saan idineklara itong dead on arrival (DOA) ni Dr. Ema Bugay, attending physician. 

Noong nakaraang linggo ay dalawa naman ang namatay rin sa pagkalunod sa isa pang beach resort sa kaparehong bayan. Dahil dito ay bumuo ng technical working group ang bayan ng Morong para mag inspeksyon sa mga beach resort kung sumusunod ba ito sa mga safety requirement. 

Ang Bataan Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ay nakikipagtulungan na rin sa Provincial Tourism Office para sa anumang assistance na kakailanganin ng Morong kaugnay sa mga napaulat na mga insidente ng pagkalunod rito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.