Election protest ng natalong mayoralty candidate sa Bataan, ibinasura ng Korte

IBINASURA ng Regional Trial Court Branch 95 ang election protest na isinampa ng natalong mayoralty candidate na si outgoing Mariveles, Bataan Mayor Jocelyn Castaneda laban kay Atty. Ace Jello “Kuya AJ” Concepcion na siyang incoming Mayor ng nasabing bayan.

Ayon sa pitong pahinang Dismissal Order mula sa MTC Br. 95, nakasaad na “insufficient” o kulang ang mga alegasyon sa detalye at ebidensya ng mga tiyak at direktang gawain o aksyon na magtutukoy sa sinasabi nilang dayaan, anomalya o iregularidad noong nagdaang eleksyon.

Nabanggit din ang ilang mga desisyon ng Korte Suprema upang pagtibayin na ang ganitong klase ng protesta ay walang basehan, tulad ng:

Bare claims of ‘glitches,’ strange voting patterns, and discrepancies in the audit, without more, were found to be hollow accusations by a losing candidate unable to come to terms with defeat” o ang hindi pag move on sa naranasang pagkatalo sa eleksyon.

Ayon kay Concepcion, siya ay opisyal nang naiproklama na bagong halal na mayor ng Mariveles noong ika-10 ng Mayo, subalit hindi pa rin umano tumitigil ang mga paninira sa kanya ng outgoing mayor na nagviral sa mga social media sites at news reports noong panahon ng kampanya dahil sa ginawa nitong mga napaulat na pangha-harass sa mga supporters ng kanyang kalaban sa pulitika, cyber bullying at iba pang mga hindi tama o normal na gawain ng isang elected public official.

Ito ay bukod pa sa kinakaharap nitong kasong obstruction of justice kaugnay sa nangyaring murder case na tumapos sa buhay ng isa sa kanyang mga department heads. 

Ayon pa kay Concepcion, siya ay maninindigan sa kanyang pagkapanalo at kahit na aniya ay may mga ganito mang balakid sa kanyang panunungkulan simula Hulyo 1 ay hindi siya matitinag at mananaig pa rin ang kahandaan niyang maglingkod sa kapwa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.