INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na dalawang Chinese national ang inaresto dahil sa umano’y kasong rape.
Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco ang mga naarestong dayuhan na sina Liu Yong, 28 anyos, at Sun Laizheng, 35 anyos, na dating inaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa Article 266 ng Anti-Rape Law.
“We received a coordination letter from PNP Pasay City regarding Liu and Sun. Their custody was transferred to us last Oct. 19,” sabi ni Transingco.
Ayon sa opisyal, sina Liu at Sun ay nasa bansa simula 2018 at 2019.
“The arrested foreigners were charged for violating the conditions and limitations of their stay as non-immigrants, being a public charge, and posing a clear and present danger to public welfare,” ayon kay Tansingco.
Sinabi ni Tansingco na banta sila sa ating mga kababaihan at mga bata at walang lugar para sa mga ganitong uri ng dayuhan sa ating lupain.
“Rest assured that the BI is in close coordination with other law enforcement agencies in advocating for a safer community for the Filipinos,” dagdag pa niya.
Nakadetine ngayon sina Liu at Sun sa detention center ng BI sa Taguig habang hinihintay ang kanilang deportation proceedings.