Dagsa ng mga deboto sa Quiapo, maayos pa naman–MPD

Manageable pa naman ang dagsa ng mga deboto sa Quiapo Church, ayon sa panayam kay Manila Police Department (MPD) Director P/Brig. General Leo Francisco.

Ayon kay Francisco, sa kanyang pagtaya sa una at pangalawang misa na nagsimula kaninang alas 4 ng umaga, umabot ito ng 350 hanggang 400 libong mga deboto kumg saan naukupahan  ang bawat lane ng kahabaan ng Quezon Boulevard, gayundin ang Palanca Street.

Pero aniya ito ay  mga “come and go” o mga labas pasok na mga deboto sa kabuuan.

Dahil dito, nagdagdag sila aniya ng 260 personnel o mga social distancing patroller sa mga control point sa Morayta, Lerma at Quezon Blvd.

Ayon pa kay Francisco, malaking bagay ang mga hijos dahil katuwang sila ng kapulisan sa pagpapatupad ng kaayusan ng Traslacion 2021.

Aniya kapag may nakitang nakayapak ay hindi nila pinapapasok at maging ang mga senior na hindi rin pinahintulutan at pinauuwi.

Sa ngayon, nananatiling payapa at wala namang  naitatalang mga nasugatan maliban sa isang babae na  nakaramdam lamang ng pagkahilo ngunit naging maayos din matapos bigyan ng tubig ng pulisya.

(Photo credit: Quiapo Church Facebook page)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.