Contact tracing, humina sa mga nakalipas na linggo – Magalong

HUMINA ang sistema ng contact tracing sa bansa sa nakalipas na isang buwan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, bumagsak ang national contact tracing efficiency ratio mula sa 1:7 ay naging 1:3 sa nakalipas na apat na linggo.

“For the past four weeks, you can see that it really deteriorated and look at the average, from 1:7, this is the national average, from 1:7, it went down to 1:3,” ani Magalong.

Paliwanag ng opisyal, ang ibig sabihin ng 1:3 ratio ay mga miyembro ng pamilya lamang ng isang nagpositibo sa COVID-19 ang natanong at nasuri at hindi ang iba pang direktang nakasalamuha nito.

“Technically, wala pong contact tracing diyan because ang gagawin lang ng isang contact tracer, ia-announce lang ho niya na ‘yung positive patient, hanapin niya ‘yung members ng household and i-quarantine,” pahayag ni Magalong.

Itinurong dahilan ni Magalong ang kabiguan ng mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng iisang sistema o data collection tool para sa pagkuha ng mga impormasyon sa contact tracing.

Nauna na ring hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government unit (LGU) at ang publiko na gumamit ng contact tracing app na StaySafe.ph upang mapag-isa ang sistema at database ng bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.