NASA 33 importer na umano ay sangkot sa smuggling ng mga produktong agrikultural ang sinampahan na ng kasong kriminal ng Bureau of Customs (BOC).
Bukod dito, nasa 11 mga customs broker na kasabwat sa ilegal na importasyon mula Enero hanggang sa kasalukuyan ang sinampahan na rin ng Bureau Action Team Against Smugglers (BATAS) ng kaso sa Department of Justice (DOJ).
Sa 33 kaso, 22 ang sinampahan ng paglabag sa Republic Act 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016. Sa naturang bilang, siyam ang laban sa siyam na importers at limang customs broker.
May kabuuang “dutiable value” na P251.61 milyon ang hinahabol ng BOC sa mga naisampang kaso, habang nasa P107.19 milyon naman ang hinahabol na bayarin sa mga duties, buwis at iba pang fees.
Ang pagsasampa ng mga kaso ay bunga umano ng pagpapalakas ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa kanilang “risk profiling” at inspeksyon ng mga shipment at mga bodega.