Umabot na sa mahigit 29.9 milyon ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Ayon sa report ng John Hopkins University and Medicine Corona-Virus Resource Center, nasa kabuuang 29, 917, 428 ang may sakit ng naturang virus sa ibat ibang bahagi ng mundo.
Batay sa nakuhang datos ng JHU, pinaka marami pa rin ang kaso ng sakit sa Estados Unidos na may mahigit 6.6 milyon, sinundan ito ng India na ngayon ay mayroon nang mahigit 5 milyong kaso, Brazil na mayroon ng mahigit 4.4 milyon.
Umaabot naman sa mahigit 941,000 ang mga nasawi sa naturang sakit at nasa 188 bansa ang apektado ng COVID-19 pandemic.