Ballot printing para sa BSKE, posibleng matapos sa ika-2 linggo ng Pebrero — Comelec

POSIBLENG matapos ang ballot printing (91 milyon) para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections o BSKE sa ikalawang linggo ng Pebrero, ayon sa Commiison on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, halos kumpleto na ang lahat ng materyales para maipadala sa iba’t-ibang lugar sa bansa ang mga balota ng mas maaga sa eleksyon sa Oktubre 30.

Noong Martes, sinabi ni Garcia na ipagpapatuloy ng poll body ang pag-imprenta ng BSKE ballots bago ang katapusan ng Enero o pagkatapos maimprenta ang balota para sa special elections sa ikapitong distrito ng Cavite.

Inulit din ni Garcia na handa ang poll body na magsagawa ng 2023 BSKE kung magdesisyon ang Korte Suprema na isagawa ito ng mas maaga.

Ipinagpaliban ang October 2016 barangay at SK polls noong October 2017 ngunit ipinagpaliban ito sa Mayo 2018, na muling na-reset sa Disyembre 2022.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.