Alkalde, Bise-Alkalde ng Maynila, nag-ikot sa mga paaralan sa lungsod sa unang araw ng pasukan

UMIKOT sa mga paaralan sa lungsod ng Maynila sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto kasama ang Division of City Schools Superintendent na si Maria Magdalena Lim.

Partikular nilang binisita ang Bacood Elementary School at Araullo High School sa umaga at Isabelo Delos Reyes Elementary School at Jose Abad Santos High School sa hapon.

Sa mensahe ni Lacuna-Pangan sa harap ng mga mag-aaral ng Bacood Elementary School, hinikayat niya ang mga ito na magpabakuna.

Magpabakuna na kayo ha, karagdagang proteksyon yan lalo na at pumapasok na po kayo ng face-to-face,” apela ng mayora sa mga estudaynte nang magtaas ng kamay ang mga hindi pa nababakunahan.

Pinasalamatan din nito ang mga magulang, guro at staff sa paghahanda sa mga paaralan para sa proteksiyon ng mga mag-aaral.

Welcome sa panibagong school year sa ating mga mag-aaral, mga magulang at mga teachers na ilang linggo na rin po nagpeprepare na maging safe ang ating mga paaralan,” sabi ni Lacuna

Ang panawagan ko lang po ay karagdagang proteksyon sa inyong mga anak,” dagdag pa ng alkalde.

(PHOTO CREDIT: Manila PIO Facebook page)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.