UMABOT na ngayon sa 9 na indibidwal ang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Quinta sa bansa.
Batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pitong residente ang namatay sa MIMAROPA at dalawa sa Central Visayas.
Iniulat din na mayruong anim na naitalang nasugatan habang dalawa ang nawawala sa kasagsagan ng bagyong Quinta sa CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas at Central Visayas.
Samantala, sa hiwalay na ulat ng Office of Civil Defense Region 5, may limang residente ang mga nasawi sa Bicol Region mula sa Catanduanes, Albay at Camarines Norte pero ayon sa NDRRMC ito ay bineberipika pa.
Nasa 49, 557 pamilya o katumbas ng 209, 457 inidbidwal ang naapektuhan ng kalamidad kung saan 12, 233 na pamilya o 48, 417 ang nasa evacuation centers.
Sinabi rin ng NDRRMC na 81 insidente ang kanilang naitala kasama na ang mga paguho ng lupa sa mga mabababang lugar.