PATAY ang 8 hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa joint operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Sitio Agit, Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental araw ng Martes, Marso 23, 2021.
Sa ulat mula sa Philippine Army, tatlong oras tumagal ang pakikipag bakbakan ng government troops laban sa mga komunistang terorista na hindi baba sa 40 ang bilang.
Hindi pa alam ang pagkakakilanlan sa 8 nasawing terorista habang wala namang nasawi sa panig ng tropa ng pamahalaan.
Narekober sa encounter site ang 11 high powered firearms at samut saring mga pampasabog.
Samantala, pinapurihan naman ni Colonel Michael Samson, Acting 303rd Infantry Brigade Commander ang mga sundalo na nasa likod ng tagumpay na operasyon.
Sa ngayon, nanatiling naka-alerto ang 303rd Infantry Brigade at lahat ng Army units para mapigilan ang pag atake ng NPA.