30% seating capacity sa mga simbahan aprubado na ng IATF

church

PINAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force ang 30-porsyentong seating o venue capacity sa mga simbahan at iba pang bahay dalanginan sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang desisyon ng IATF ay alinsunod na rin sa naging rekomendasyon ng Metro Manila Mayors na nagkasundo rin na simula sa Disyembre 1 ay magiging mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-3 ng madaling araw ang curfew para bigyang-daan ang simbang gabi.

“Wala na kasi tayong Undas, sarado ang ating mga sementeryo, tapos marami na rin tayong nakansela, so siguro naman kahit papano magkaroon naman tayo ng pagpapatuloy ng ating mga Christmas traditions bagama’t 30% lang po ang ating pupuwedeng Simbang Gabi,” ayon kay Roque.

Samantala, sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine, mananatili ang 50-porsyentong seating o venue capacity sa mga lugar dalanginan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.